Miyerkules, Enero 23, 2013
Linggo, Enero 13, 2013
1-13-13
Hay naku!! ang dami naman ng aking ginawa ngayon at gagawin palang.Pero buti nalang nagawa ko na ang isang linggo kong entry sa aking blog na galing pa sa aking mahiwagang talaan ng talaarawan na kwaderno.Hooh!! kapagod.May gagawin pa pala ako.Gagawin ko pa ang mga akda ilalagay ko pa dito.
1-12-13
Kapagod ngayon ahh !! kagagaling lang kasi sa bahay ng aking kamag aral upang gumawa ng proyekto sa asignaturang chemistry.Sobra akong napagod kasi ang layo ng kanilang bahay tapus umuulan pa.Papunta doon at pabalik.Yung nakakainis pa ngayong araw ay marami akong ginawa bago ako nakaalis sa aming bahay.Tuloy pagod na pagod ako.
1-11-13
Katatapus lang ng huling araw ng pagsusulit at sobrang sakit pa ng ulo ko dahil sa hirap ng mga itinest namin kaganina.Mabuti sana kung isa isa lang ang pagsusulit namin na mahirap eh.....Kaso sunod sunod pa eh kaya dire-diretso rin ang sakit ng ulo ko.Buti nalang walang pasok bukas makapagpapahjinga ako.
1-10-13
Hay naku!! ang sakit ng ulo ko kaganina.Ang hihirap ng mga tinest namin kaganina kaunti lang ang mga madadali tulad ng Values at Filipino.Pero hindi parin talaga ako sigurado kung makakapasa pa ako.Pero kailangan ko pang magrebyu ngayon dahil mas mahihirap ang mga ititest namin bukas.Kaya kailanan talaga ng puspusan ngayon.Sana naman makapasa ako bukas.
1-9-13
Miyerkules masyado akong gahol....Ang dami ko pang gagawin tulad ng pagrerebyu ng mga itetes na asignatura para bukas.Para pumasa ako.Pero bago yun gagawin ko muna ang aking portpolyo sa asignaturang matematika.Sana makapasa ako bukas.
1-8-13
Martes na!! nalalapit na ang aming mahabang pagsusulit kailangan na magumpisang mag review para di ako bumagsak pero hanggang makakaya ko lang.Pero meron narin namang magandang nangyari kaganina eh.....Nakapasa ako sa pagsusulit namin sa asignaturang ingles.Bukas rereviewhin namin ito.Sana meron pa akong matutunan.
1-7-13
Lunes na!! nakakainis kaganina ang dami pa pala ng mga kulang ko ngayon ko lang nalaman tuloy kailangan ko pang magmadali para matapus itong mga bago kong gawain.Magaaral na rin ako para sa aming pagsusulit bukas sa asignaturang ingles.Para di na rin bumagsak.
1-6-13
Hay naku linggo na!! katatapus lang manood ng telebisyon at pagkatapus ko dito ay gagawin ko narin ang mga gawain ko sa aking mga asignatura tulad ng mga proyekto at mga takdang aralin pero maglalaro muna ako ng kaunti.
1-5-13
Sabado na!! Katatapus lang gumawa ng gawaing bahay na napakarami.Wala kasing katulong naglaba kasi si mama at ang kapatid ko tuloy napagod ako ng lubos.Pero sabi ni mama mas pagod daw sila sakin kaya di ako makareklamo ng wagas sa kanila.
1-4-13
Biyernes na!! Hay naku wala na namang pasok bukas pero buti nalang nasulit ko itong araw na ito dahil kaganina.Ang saya pero ayaw kong itala dito kasi bawal ehh......Tuloy hindi ko mailabas ang tunay na kaligayahan ko.Pero di ko talaga makakalimutan ang araw na ito.
1-3-13
Pasukan na naman!!! marami na naman akong mga iisipin tulad ng mga proyekto,mga talaan at ang pasahan nitong blog na hindi pa pala ipapasa.Sayang naman ang pag paspas ko nito kagahapon.Pero okay na rin yun kaysa walang gawin dahil masyadong nakakaboring ang walang ginagawa.
Martes, Enero 1, 2013
1-2-13
Buti nalang nakabawi na ako sa mga puyat at pagod ko.Kaya panigurado bukas hindi na ako magmumukhang puyat at pagod at nagawa ko ngayon ng maayos ang blog ko kahit napakarami nito dahil nilagay ko muna ito sa notebook at tsaka nilagay sa blog.Eksayted na ako sa pasukan bukas.
1-1-13
Ngayon ay bagong taon ngunit matamlay ako ngayon kulang ata ako sa tulog at pagod na pagod ako kaya pagkatapos nito ay matutulog agad ako para makabawi na ako para sa darating na pasukan at hindi ako magmukhang puyat at matamlay.
12-31-12
Hay naku! kapagod naman ngayon ang daming tao sa palengke ang dami ko pang mga dalahin ang bibigat pa kainis naman.Puyatan pa mamaya hay naku parang hindi ako tatagal mamaya ang sakit talaga ng katawan ko.Iiinom ko nalang ito ng gamot at konti pang kain.
12-30-12
Bukas na ang umpisa ng puyatan kaya kailangan ko nang mag handa.Bukas narin ang umpisa ng pag kaabala ng mga tao pati na kami kaya kailangan ko na talaga maghanda.Panigurado ako nanaman ang isasama ng aking nanay upang mamalengke.Paniguradong sakit ng katawan na naman ang abot ko nito.
12-29-12
Hay naku! kagagaling lang ng bahay ng lolo ko.Buti nalang may nagawa ngayon kaysa wala dahil panigurado tatamarin nanaman ako kung wala kaso nga lang napagod ako dahil maraming pinagawa sa akin ang lolo ko alam na ang kasunod nito.Tulugan na.
12-28-12
Nakakatamad ngayong araw dahil ang ginawa ko lang ay matulog,mahiga at manood ng mga pelikula.Tuloy parang gusto ko nang ituloy tuloy at matulog nalang ulit para makapag handa sa darating pa na puyatan pero mukhang mas maganda kung bukas nalang.
12-27-12
Nakakapagod ang araw na ito dahil marami kaming ginawa.Kami ay naglinis ng bahay, sobrang dami ng aming nilinis kaya lubusan akong napagod kaya pagkatapos ko dito ay matutulog nalang ako.Para makabawi narin sa pagod ko at sa bawat araw na kulang ang tulog ko.
12-26-12
Naku tapus na ang pasko.Mukhang mahaba haba pa ang aking aantayin para sa bagong taon limang araw pa kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay pupunta sa aking mga piunsan upang doon makipagku;litan tutal wala naman ditong magawa sa bahay.
12-25-12
Ngayon ay pasko na kaya marami nang puwedeng gawin tulad ng pabirong paghingi ng regalo sa mga ninong at ninang at pag kain ng kung anu anung gustong bilihin dahil maraming pera ngayon ang bawat bata.
12-24-12
Ngayon na ang bisperas ng pasko at marami nang mga tao na abala sa pag bili ng handa isa na kami doon umalis na ang aking nanay at tatay upang bumili ng aming panghanda.sa darating na bisperas at tingin ko mas magiging abala pa sila maya-maya lang.
12-23-12
Malapit na magpasko, isang araw nalang pasko na!.Dito na siguro mag uumpisa ang mga magagandang araw ko.Panimula sa paglabas ng gabi at pag aantay ng noche buena.Kaso lang parang natatagalan ako sa oras dahil gusto ko na kaagad magpasko.
12-22-12
Pangalawang araw ng bakasyon at ang mga kasama ko dito sa bahay ay medyo nag uusap usap na sa pagdating ng pasko: kung ano ang kanilang mga gagawin at kung ano ang kanilang hahanda.Ako naman ay bagot parin dahil sa wala parin akong magawa at wala paring maisip gawin.
12-21-12
Ngayon ang unang araw ng bakasyon,nagiisip ako kung ano ang magandang gawin ngayong araw dahil pag wala ako sa eskwelahan ay parang walang magandang mangyayari sa akin.Tuloy naiisip ko na magiging nakatatamad pa ang mga susunod pa na araw.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)