Martes, Marso 5, 2013
2-4-13
Ngayon ay lunes na naman,kakauwi ko lang kaya medyo pagod din ako pero siyempre masaya parin naman dahil maraming nangyari sa akin sa iskul kaganina kaso lang napahiya din nang kaunti naku naman dapat magaganda nalang eh.Kaso hindi,pero sana bukas maganda ang mangyari sa akin.
2-3-13
Naks naman linggo na ngayon.... pahinga ko na rin buti nalang tinapos ko na yung mga gawain ko kahapon.Kaya sa tingin ko marami akong mga gagawin ngayon na masasayahan ako.Kasi wala na akong iisipin na mga gagawin para sa iskul.Uumpisahan ko na dito sa bahay. Magkukumpyuter ako at pagkatapos ay gagala na ako.
2-2-13
Sabado na ngayon.... katatapos ko lang tulungan maglaba sila mama kaya medyo pagod pa ako.Pero kahit na pagod ako kailangan ko parin gawin ang aking mga takdang aralin at ang pagtutuloy ng aking mga proyekto.Para naman mabawas-bawasan ang mga kailangan gawin at para rin wala na masyadong gawin bukas at puro pahinga nalang.
2-1-13
Biyernes na ngayon..... unang araw din ng buwan ng pebrero at mukhang maguukaan na mamaya pag pasok ko buti nalang nagp[agupit na ako kagahapon kaya sigurado ako na hindi ako mauukaan.Sana masaya ang mangyari mamaya sa eskwelahan.
1-31-13
Huwebes na !! anu bayan ang pangit ng araw na ito.Kasi naman naredyek ang aming gawang proyekto sa aming chemistry.Matapos naming paghirapan,ganun-ganun lang na nairedyek.Pero okey lang naman kasi kaunti lang naman ang am,ing pagkakamali eh.Siguro dagdagan nalang ng kaunti pang tiyaga.Matatapos din namin ito ng maganda at matiwasay.
1-30-13
Miyerkules na ngayon,kagagaling ko lang sa iskul kaya kapagod pa tuloy pero kailangan ko pa talagang gawin ito eh para naman mabawasbawasan ang mga problema.Kaya magsusulat ako araw-araw pa sa aking kwaderno.Gagawin ko na rin pala ang proyekto namin sa Chemistry kasi ito narin ang huli naming paghahanda dahil bukas na ang presentasyon nito.
1-29-13
Martes na!! pangalawang araw ng pasukan at pangalawang araw narin ng mga pagsubok sa linggong ito.Heheheh.... ang saya talaga kawawa naman ako kaganina napahiya ako.Bawi nalang siguro ako bukas para masaya.Sana suwertihin ako bukas.
1-28-13
Lunes na !! umpisa nanaman ng mga malulupit at mga astig na mga pangyayri sa linggo na ito.Ang saya talaga tuwing pasukan dahil kahit na maraming iniisip ay marami din namang mga magagandang experience kaya gagawin ko ulit ang lahat upang maging masaya at maganda ang linggo na ito.
1-27-13
Linggo na,pahing ko na ulit kaso lang naglalaba sila mama tuloy hindi ako makanood ng TV kaya maglalaro nalang ako ng PSP maya maya lang.Tulong narin ako sa kanila tutal wala din naman akong gagawin eh.
1-26-13
Sabado ba ngayon? parang hindi naman! kasi parang pumasok din ako eh andami kong mga ginawa eh.Pinagkaiba lang hindi ako pumunta sa eskwelahan pero ang gawain napakarami din.Mga takdang aralin napakarami kahit mga proyekto kailangan nang umpisahan upang hindi magahol.
1-25-13
Naka naman Biyernes na ngayon!!!! bukas wala na namang pasok.Kaso lang mukhang hindi ko maeenjoy ang dalawang araw na bakasyon na ito dahil ang daming iniwan na takdang aralin ng aming mga guro.Kaya kailangan ko nang umpisahan ngayon.
1-24-13
Huwebes na.Nalalapit na ang aming presentasyon sa Chemistry.Kaya kailangan ng paghahanda.Ang dami naman naming ginawa ngayon.Ang hihirap pa,pero okey lang naman yun kasi marami din naman akong matututunan at alam ko rin naman na parte ito ng pagiging estudyante.
1-23-13
Miyerkules na agad? ang bilis talaga ng araw.Akalain mo yun sa tinagal tagal.Ngayon lang ako nakapagresayt sa AP.Ang saya naman kasi wala na ang kaba ko sa dibdib.Kaso lang hindi ko alam kung bakit nagutal-utal pa ako sa hinaba-haba ng pagkakabisa ko.Kaba naman kasi eh.Bakit kaba kasi umekstra pa.
1-22-13
Martes na.......... Marami pa akong kailangan na gawin napakaraming mga takdang aralin ngayon.Isa pa yung aming SIP nakakaistres naman kapag sabay sabay.Kaya pagkatapos ko dito ay uumpisahan ko ulit dagdagan pa ang aming proyekto sa asignaturang chemiustry pag katapos gagawin ko narin ang aking mga takdang aralin.
1-21-13
Lunes na ulit...... Ang bilis ng panahon pasukan nanaman.Marami nanamang mangyayari sa linggo na ito sigurado ako.Pero sana naman halos lahat ay magaganda.Para naman masiyahan ako.Ngayon narin siguro ako magreresayt sa AP. Oh siya siya papasok na ako.
1-20-13
Yes...... Linggo na,Pahinga ko na.Marami na akong pwedeng gawin ngayon tulad ng makipaglaro ng DOTA sa mga kaibigan.Subalit ngayon din ako gagawa ng aking mga takdang aralin.Ngayon na rin ako magkakabisa pa ng aking ireresayt sa aming guro bukas kaya gagamitin ko ang oras ko ngayon ng praktikal at walang masasakripisyo.
1-19-13
Sabado !!!!!!!!!! Kainis andami kong ginawa ngayon.Ang bibigat at higit sa lahat MADAMI.Tuloy pagod na pagod na ako.Ang sakit na ng katawan ko maghapon ba naman ang gawain.Pero okay narin atleast nakatulong,natuwa pa sakin si mama.
1-18-13
Biyernes na, wala nang pasok bukas.Kainis biyernes na lahat lahat hindi parin ako natatawag upang magresayt.Bukas wala nang pasok lunes na ulet imbes na wala nang kaba eh.Andito parin.Sana naman matawag na ako sa lunes.
1-17-13
Yehey!!! huwebes na!! malapit na mag biyernes pero puno parin ako ng kaba dahil hindi parin ako natatawag upang magresayt.Pero tingin ko maganda narin iyon upang mas makahanda pa at makapagresayt ng maayos na maghahantong ng mas mataas na grade.
1-14-13
Lunes ngayon, ngayon ang unang araw ulit ng pasukan sa isang linggo marami na namang mga bagong mangyayari sakin at marami narin akong mga bagong iisipin sa linggo lang na ito kaya kailangan ko muling gawin ang lahat upang malagpasan ang lunes na ito nga matiwasay at masaya.
1-16-13
Miyerkules na,pangatlong araw na ng pasukan sa linggong ito.Kaka uwi ko lang din kaya medyo pagod pa.Ang saya din naman kahit pagod dahil may nangyari ding maganda sa araw na ito kaya sana maulit pa iyon.
1-15-13
Martes na, pangalawang araw na ng pasukan.Pangalawang araw pa nga lang kaso lang nakakakaba na agad dahil kailangan na ngayon magresayt sa am ing AP na asignatura pero okay lang yun dahil maaga pa naman at magkakabisa pa ako pagkatapos ko kumain at agad na akong pupunta sa eskwelahan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)