Martes, Enero 1, 2013
12-27-12
Nakakapagod ang araw na ito dahil marami kaming ginawa.Kami ay naglinis ng bahay, sobrang dami ng aming nilinis kaya lubusan akong napagod kaya pagkatapos ko dito ay matutulog nalang ako.Para makabawi narin sa pagod ko at sa bawat araw na kulang ang tulog ko.
12-26-12
Naku tapus na ang pasko.Mukhang mahaba haba pa ang aking aantayin para sa bagong taon limang araw pa kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay pupunta sa aking mga piunsan upang doon makipagku;litan tutal wala naman ditong magawa sa bahay.
12-25-12
Ngayon ay pasko na kaya marami nang puwedeng gawin tulad ng pabirong paghingi ng regalo sa mga ninong at ninang at pag kain ng kung anu anung gustong bilihin dahil maraming pera ngayon ang bawat bata.
12-24-12
Ngayon na ang bisperas ng pasko at marami nang mga tao na abala sa pag bili ng handa isa na kami doon umalis na ang aking nanay at tatay upang bumili ng aming panghanda.sa darating na bisperas at tingin ko mas magiging abala pa sila maya-maya lang.
12-23-12
Malapit na magpasko, isang araw nalang pasko na!.Dito na siguro mag uumpisa ang mga magagandang araw ko.Panimula sa paglabas ng gabi at pag aantay ng noche buena.Kaso lang parang natatagalan ako sa oras dahil gusto ko na kaagad magpasko.
12-22-12
Pangalawang araw ng bakasyon at ang mga kasama ko dito sa bahay ay medyo nag uusap usap na sa pagdating ng pasko: kung ano ang kanilang mga gagawin at kung ano ang kanilang hahanda.Ako naman ay bagot parin dahil sa wala parin akong magawa at wala paring maisip gawin.
12-21-12
Ngayon ang unang araw ng bakasyon,nagiisip ako kung ano ang magandang gawin ngayong araw dahil pag wala ako sa eskwelahan ay parang walang magandang mangyayari sa akin.Tuloy naiisip ko na magiging nakatatamad pa ang mga susunod pa na araw.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)