Martes, Marso 5, 2013

1-27-13

                  Linggo na,pahing ko na ulit kaso lang naglalaba sila mama tuloy hindi ako makanood ng TV kaya maglalaro nalang ako ng PSP maya maya lang.Tulong narin ako sa kanila tutal wala din naman akong gagawin eh.

1-26-13

                   Sabado ba ngayon? parang hindi naman! kasi parang pumasok din ako eh andami kong mga ginawa eh.Pinagkaiba lang hindi ako pumunta sa eskwelahan pero ang gawain napakarami din.Mga takdang aralin napakarami kahit mga proyekto kailangan nang umpisahan upang hindi magahol.

1-25-13

                   Naka naman Biyernes na ngayon!!!! bukas wala na namang pasok.Kaso lang mukhang hindi ko maeenjoy ang dalawang araw na bakasyon na ito dahil ang daming iniwan na takdang aralin ng aming mga guro.Kaya kailangan ko nang umpisahan ngayon.

1-24-13

                  Huwebes na.Nalalapit na ang aming presentasyon sa Chemistry.Kaya kailangan ng paghahanda.Ang dami naman naming ginawa ngayon.Ang hihirap pa,pero okey lang naman yun kasi marami din naman akong matututunan at alam ko rin naman na parte ito ng pagiging estudyante.

1-23-13

                   Miyerkules na agad? ang bilis talaga ng araw.Akalain mo yun sa tinagal tagal.Ngayon lang ako nakapagresayt sa AP.Ang saya naman kasi wala na ang kaba ko sa dibdib.Kaso lang hindi ko alam kung bakit nagutal-utal pa ako sa hinaba-haba ng pagkakabisa ko.Kaba naman kasi eh.Bakit kaba kasi umekstra pa.

1-22-13

                   Martes na.......... Marami pa akong kailangan na gawin napakaraming mga takdang aralin ngayon.Isa pa yung aming SIP nakakaistres naman kapag sabay sabay.Kaya pagkatapos ko dito ay uumpisahan ko ulit dagdagan pa ang aming proyekto sa asignaturang chemiustry pag katapos gagawin ko narin ang aking mga takdang aralin.

1-21-13

                   Lunes na ulit...... Ang bilis ng panahon pasukan nanaman.Marami nanamang mangyayari sa linggo na ito sigurado ako.Pero sana naman halos lahat ay magaganda.Para naman masiyahan ako.Ngayon narin siguro ako magreresayt sa AP. Oh siya siya papasok na ako.