Martes, Enero 1, 2013

12-31-12

                        Hay naku! kapagod naman ngayon ang daming tao sa palengke ang dami ko pang mga dalahin ang bibigat pa kainis naman.Puyatan pa mamaya hay naku parang hindi ako tatagal mamaya ang sakit talaga ng katawan ko.Iiinom ko nalang ito ng gamot at konti pang kain.

12-30-12

                       Bukas na ang umpisa ng puyatan kaya kailangan ko nang mag handa.Bukas narin ang umpisa ng pag kaabala ng mga tao pati na kami kaya kailangan ko na talaga maghanda.Panigurado ako nanaman ang isasama ng aking nanay upang mamalengke.Paniguradong sakit ng katawan na naman ang abot ko nito.

12-29-12

                        Hay naku! kagagaling lang ng bahay ng lolo ko.Buti nalang may nagawa ngayon kaysa wala dahil panigurado tatamarin nanaman ako kung wala kaso nga lang napagod ako dahil maraming pinagawa sa akin ang lolo ko alam na ang kasunod nito.Tulugan na.

12-28-12

                       Nakakatamad ngayong araw dahil ang ginawa ko lang ay matulog,mahiga at manood ng mga pelikula.Tuloy parang gusto ko nang ituloy tuloy at matulog nalang ulit para makapag handa sa darating pa na  puyatan pero mukhang mas maganda kung bukas nalang.

12-27-12

                       Nakakapagod ang araw na ito dahil marami kaming ginawa.Kami ay naglinis ng bahay, sobrang dami ng aming nilinis kaya lubusan akong napagod kaya pagkatapos ko dito ay matutulog nalang ako.Para makabawi narin sa pagod ko at sa bawat araw na kulang ang tulog ko.

12-26-12

                       Naku tapus na ang pasko.Mukhang mahaba haba pa ang aking aantayin para sa bagong taon   limang araw pa kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay pupunta sa aking mga piunsan upang doon makipagku;litan tutal wala naman ditong magawa sa bahay.

12-25-12

                        Ngayon ay pasko na kaya marami nang puwedeng gawin tulad ng pabirong paghingi ng regalo sa mga ninong at ninang at pag kain ng kung anu anung gustong bilihin dahil maraming pera ngayon ang bawat bata.