Linggo, Agosto 12, 2012

humanismo

Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.


REPLEKSYON:
Aking natuklasan na ang teoryang humanismo ay tungkol sa tunay na nararanasan o ugali ng tao.

klasisismo


ang klasisismo ang siyang isa sa mga teoryang pampanitikan na nangangahulugan o nagbibigay halaga sa isipan kaysa sa damdamin. ang kabaligtaran naman ng klasisismo ay ang romantisismo, dito naman ang nangingibabaw ay ang damdamin kaysa isipan. . . . (by: renxinaro)



REPLEKSYON:
Aking nalaman na ang teoryang klasisismo ay kabaligtaran ng teoryang romantisismo dahil mas nangingibabaw ang kaisipan kaysa sa damdamin.

Romantisismo


Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wikakapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.


REPLEKSYON:
Ang teoryang romantisismo ay kabaligtaran ng klasisismo dahil mas tinutuon nito ang pagtakas sa katotohanan o damdamin ang pinapairal kaysa sa kaisipan.

realismo

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.



REPLEKSYON:
Nalaman ko na ang teoryang realismo ay tungkol sa tunay pangyayari sa buhay ng tao sa pangaraw-araw bna gawain o paguugali.

Imahismo


Ang_tuon_ng_Teoryang_Imahismo_ay_imahen_dahil_sa_paniniwalang_ang_nagsasabi_ng_kahulugan_ng_tula._Kinikilala_ng_Teoryang_ito_ang_kabuluhang_pangkaisipan_at_pandamdamin_ng_mga_imaheng_nakapaloob_sa_akda._Sa_halip_na_gumagamit_ng_gasgas_o_lumang_imahen,_bago_ang_kanyang_ginagamit._Luma_ang_karanasan_ngunit_nagiging_bago_ito,_at_kaaya-ayang_basahin_ang_tula_dahil_sa_imahen...">Ang tuon ng Teoryang Imahismo ay imahen dahil sa paniniwalang ang nagsasabi ng kahulugan ng tula. Kinikilala ng Teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda. Sa halip na gumagamit ng gasgas o lumang imahen, bago ang kanyang ginagamit. Luma ang karanasan ngunit nagiging bago ito, at kaaya-ayang basahin ang tula dahil sa imahen...



REPLEKSYON:
Sa teoryang ito ,ako ay medyo nahirapan dahil marami pang kailangan alamin upang malaman ito.Ang teoryang ito ay tumutuon sa mga imahe ng bawat salita.

ang guryon


"Ang Guryon"
ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!


repleksyon:
Nalaman ko na merong mga bagay na sumisimbolo sa buhay at mga pangarap ng mga tao.Isa sa magandang halimbawa nito ay ang guryon dahil sumasalamin ito sa pag gabay ng tatay sa pangarap ng kanyang anak.