Sabado, Setyembre 8, 2012

Sa Tabi ng Dagat





Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…


REPLEKSYON:
Kaming lahat ay nawili sa talakayan na ito kaya kaming lahat ay nakinig dahil itoy tunkol sa mag irog na hindi lumaon ay naging mag asawa ngunit dumadating ang araw na sa relasyon ay sinusubok ng tadhana kaya medyo sila ay nagsasawa sa isat isa na tunay na nangyayari sa tunay na buhay.


Kahapon Ngayon At Bukas



ni Aurelio Tolentino







Kalayaan : ama ni Walangtutol. 

Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas. 

Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya. 

Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika. 

Masunurin : ang babaeng pilipina. 

Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan) 

Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya. 

Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika. 

Asalhayop : ang mapaglilong tagalog. 

HaringBata : ang haring Intsik. 

Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan. 

Halimaw : ang Kastilang pari. 



Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at 
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.


REPLEKSYON:
Sa talakayan na ito ako ay nagtaka sa mga pangalan ng bawat tauhan dahil ang mga ito ay kakaiba.pero noong natapos na ang talakayan nalaman ko rin kung bakit ganoon ang mga pangalan ng mga tauhan.

Linggo, Agosto 12, 2012

humanismo

Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.


REPLEKSYON:
Aking natuklasan na ang teoryang humanismo ay tungkol sa tunay na nararanasan o ugali ng tao.

klasisismo


ang klasisismo ang siyang isa sa mga teoryang pampanitikan na nangangahulugan o nagbibigay halaga sa isipan kaysa sa damdamin. ang kabaligtaran naman ng klasisismo ay ang romantisismo, dito naman ang nangingibabaw ay ang damdamin kaysa isipan. . . . (by: renxinaro)



REPLEKSYON:
Aking nalaman na ang teoryang klasisismo ay kabaligtaran ng teoryang romantisismo dahil mas nangingibabaw ang kaisipan kaysa sa damdamin.

Romantisismo


Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wikakapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.


REPLEKSYON:
Ang teoryang romantisismo ay kabaligtaran ng klasisismo dahil mas tinutuon nito ang pagtakas sa katotohanan o damdamin ang pinapairal kaysa sa kaisipan.

realismo

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.



REPLEKSYON:
Nalaman ko na ang teoryang realismo ay tungkol sa tunay pangyayari sa buhay ng tao sa pangaraw-araw bna gawain o paguugali.

Imahismo


Ang_tuon_ng_Teoryang_Imahismo_ay_imahen_dahil_sa_paniniwalang_ang_nagsasabi_ng_kahulugan_ng_tula._Kinikilala_ng_Teoryang_ito_ang_kabuluhang_pangkaisipan_at_pandamdamin_ng_mga_imaheng_nakapaloob_sa_akda._Sa_halip_na_gumagamit_ng_gasgas_o_lumang_imahen,_bago_ang_kanyang_ginagamit._Luma_ang_karanasan_ngunit_nagiging_bago_ito,_at_kaaya-ayang_basahin_ang_tula_dahil_sa_imahen...">Ang tuon ng Teoryang Imahismo ay imahen dahil sa paniniwalang ang nagsasabi ng kahulugan ng tula. Kinikilala ng Teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda. Sa halip na gumagamit ng gasgas o lumang imahen, bago ang kanyang ginagamit. Luma ang karanasan ngunit nagiging bago ito, at kaaya-ayang basahin ang tula dahil sa imahen...



REPLEKSYON:
Sa teoryang ito ,ako ay medyo nahirapan dahil marami pang kailangan alamin upang malaman ito.Ang teoryang ito ay tumutuon sa mga imahe ng bawat salita.