- KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARANG MAROMANSA- sa ganitong kwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan.
- KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI- sa uring ito, ang pangyayari ay totoong kapuna-punaat makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong nasasangkot.
- KWENTO NG KABABALAGHAN- nabubuo ang ganitong uri ng kwento dahil sa pniniwala ng mga tao sa mg bagay-bagay na kataka-taka.
- KWENTO NG KATUTUBONG KULAY- ang binibigyang diin ng awtor sa ganitong uri ng kwento ay ang tagpuan.
- KWENTO NG TALINO- ang pang-akit sa ganitong kwento ay wala sa tauhan ni sa tagpuan kundi sa mahusay na pagkakabuo ng balangkas.
- KWENTONG SIKOLOHIKAL- maraming nagsasabi na ito na marahil ang pinkamahirap sulating uri ng kwento.
- KWENTO NG PAG-IBIG- dito pag-ibig ang nangingibabaw na katangiang kumukuha ng interes ng mambabasa.
- APOLOGO- isng uri ng kwentong ang layunin ay hindi lumibang sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila.
- KWENTOG PANGKAISIPAN- ang pinkamahalaga sa uring ito ay ang paksa, diwa at kaisipan ng kwento.
- KWENTO NG PAGKATAO- ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan.
Repleksyon:
nalaman ko na maraming uri ng maikling kwento na na sumasalamin sa hangarin ng manunulat na iparating sa mga mambabasa.
natutuwa rin ako dahil marmi sa mga ito ang mga gustong basahin ng mga mambabasa dahil nagbibigay ito ng libangan sa mga tao lalo na sa mga kabataan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento