Lunes, Hulyo 23, 2012

SA AKING MGA KABABATA

KAPAGKA ANG BAYA'Y SADYANG UMIIBIG 
SA KANYANG SALITANG KALOOB NG LANGIT, 
SANLANG KALAYAAN NASA RING MASAPIT 
KATULAD NG IBONG NASA HIMPAPAWID. 

PAGKAT ANG SALITA'Y ISANG KAHATULAN 
SA BAYAN,SA NAYO'T MGA KAHARIAN, 
AT ANG ISANG TAO'Y KATULAD,KABAGAY 
NG ALINMANG LIKHA NOONG KALAYAAN. 

ANG HINDI MAGMAHAL SA KANYANG SALITA 
MAHIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA, 
KAYA ANG MARAPAT PAGYAMANING KUSA 
NA TULAD NG INANG TUNAY NA NAGPALA. 

ANG WIKANG TAGALOG,TULAD DIN SA LATIN, 
SA INGLES,KASTILA'T SA SALITANG ANGHEL, 
SAPAGKAT ANG POONG MAALAM TUMINGIN 
ANG SIYANG NAGGAWAD,NAGBIGAY SA ATIN. 

ANG SALITA NATI'Y TULAD DIN SA IBA 
NA MAY ALPABETO AT SARILING LETRA, 
NA KAYA NAWALA'Y DINATNAN NG SIGWA 
ANG LUNDAY SA LAWA NOONG DAKONG UNA 












ni:DR. JOSE RIZAL




     Repleksyon:
               Ang tulang "Aking mga Kababata" ay tungkol sa wika natin na kung paano ito gamitin,bigyang halaga at pangalagaan.
               nalaman ko na nagawa ito ni rizal sa kanyang murang edad at ako ay natutuwa dahil inpirado siya sa kanyang kapaligiran o kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid pero medyo nalulungkot ako dahil medyo kinalilimutan na ng maga kabataan ang mga ito.

1 komento:

  1. Kaya it po ang aking tinyp dahil po ito ay sulat ni Dr. Jose Rizal at kakabisaduhin namin ito dahil sa buwan Ng wika

    TumugonBurahin